Black Saturday

Since it's Black Saturday - Convergys is generous enough na bigyan kami ng free lunch. Siguro, naisip nila na wala kaming makakainan since sarado naman ang Bancheto at sarado rin ang mga surrounding fast food ng madaling araw ng Black Saturday so ayan at nirasyunan kami ng Jollibee ng one piece chicken at zesto. hehehe. Naalala ko tuloy nung elementary ako, lagi akong me baon na Zesto Mango at Pretzel.

Very ironic, lunch namin is adobong Chicken din - parang late na nung nalaman ko na kumain na pala ako ng chicken nung gabi...i forgot. Siguro napurga na si Jojo sa fish at gulay na kinakain namin the entire holy week kaya di na nya napigil at nagluto na sya ng chicken.

No special thing happened but I'm happy na naVGH na naman ako at 2:30 am! Uwi agad kasi antok na antok ako. Sobra. Mabuti nalang naibigay na ang VGH incentive kaya medyo me extra money at pampalubag loob sa mga times na nakaltasan ako because of VGH. Tulog agad ako pag uwi after checking on some of my emails - mga 5:30 am then nagising ulit ng mga 8:30 am. I am happy that I was able to finish 3 reviews today kahit na puro health chorva sila na wala akong ka ideidea kung anong medical term yun. Buti nalang andyan si Mr. Google at nakapagresearch ako para naman hindi magmukhang pilit na ininsert ko lang yung link ng advertiser sa blog ko just for the heck of having it on the entry. Nakakahiya naman kung barabara lang pagkakagawa ko diba. They are paying me expecting me to write quality reviews for their site so I need to do it good. So far, ala pa namang nagdedecline sa mga reviews ko.

Nanood kami ng "The Truman Show" - 2 beses ko na ata to napanood sa HBO - ah oo, kahapon bago magbrown out yan din ang palabas. Diko lang pala sya natapos kasi nawalan ng ilaw. Anyways, inaantok na ako. Balak naming mag Bible study ni Jojo before I sleep kaya off ko na itong pc.

My realization for the day: "Sometimes, I feel deprived of having a quality time for myself. I am always in front of the computer putting my thoughts into writing for someone in exchange for money. Pag di ko naman ginawa yung offers, nanghihinayang naman ako pag nag expire. Though I am happy that I am earning from my entries, sometimes, napapagod na rin ako. I don't know, maybe na worn out lang ako dahil sa sunod sunod na trabaho. I think I need to have a vacation somewhere. Kelangang magnilay nilay...."

PS:
Thank You Lord for this day and thank you at nakuha ko na yung VGH incentive ko. Thank you for the free lunch and for allowing me to go to VGH. Amen.



Comments

Popular posts from this blog

Kuripsy Signing Off...

Training Days

Thank You Kuripsy Kremes!