3/29/2008

It's Jojo's 31st Birthday!

It's Jojo's 31st birthday! Would you believe 31 na sya?! Andaming nagtatanong kung bakit parang 18 lang siya, well ewan ko, pero ang alam ko, he is very balidoso. Vain to the highest level. Sya ang umuubos ng Eskinol namin and yung Vaseline Nigthly Renewal na bigay sakin ng mama nya...sya rin ang umuubos. Hehehe. Di kami na VGH kagabi so I was'nt able to go home immediately as much as I want to as it is Jojo's birthday....sobrang queing nung mga 10pm-2am - lunch with Kagandahang Kate at Bancheto and just bought Langgonisang Vigan as pasalubong to JOjo (it's his favorite). Just had a quick lunch with him at Jollibee and went home muna to take a nap. Supposedly, we'll gonna go to Trinoma today to celebrate his birthday but unfortunately...sobrang sama ng pakiramdam ko and nagising na ako at around 6:30 pm. What! Jojo is so caring na hindi nya na ako ginising para icelebrate yung birthday nya and nakuntento na lang manood sa HBO maghapon while I am sleeping. He knows kasi na pag nagising ako, I would make sure na aalis kami and gusto ko mag enjoy sya sa birthday nya. Unfortunately, di ko na namalayan ang oras and dinner time na pala. Though gabi na , I insist na magdate kami. This is not just one of those ordinary days, it's the day in which my Prince was born! (sweet) So I hurriedly took a bath and off we went to SM Centerpoint. Just bought some stuff on the house and we just purchased a DVD para sa bahay na lang kami manonood. Napagkasunduan nalang namin na since me DVD naman kami, itatake out nalang namin ang dinner namin and sa house na lang kami kakain. Bought KFC Bucket Meal and will just share some to Papa's family. Parang gusto ni Jojo ng pancit so we went to Aling Banang and bought two orders of Pancit Bihon, and parang masarap din yung porkchopsilog so bumili rin kami 2 orders. On our way back home, just bought Coke Zero (diet kami nyan) and Ice Cream tsaka donuts (proxy ng cake hehehe). Took some pictures and kainan na! My mom would visit us tomorrow , siguro tomorrow nalang yung totoong celebration kaso I have a work at 8:30 pm. Bahala na. What's important is that we were together in his special day. I hope I am still the same girl who could witness his next 50 birthdays.

And my birthday prayer to the man I love.... "Lord, please bless Jojo. I know you know what the desires of his heart are, you're a witness to all his frustrations and fears, you know what his sacrifices are just to make this relationship works...you know how hard he tries to be a good husband to me and a good son to his parents....you know everything he has in mind. Lord, whatever those are, please have your way in him. I hope he would continue to be the man he is right now. The same Jojo I've come to know four years ago. Same caring and kind hearted man who never fails to bring a smile to my face after a hard day, the same Jojo who always considers my own welfare first before his, the same guy who loves me unconditionally inspite and despite of everything. I am so lucky to have a husband like Jojo who does'nt care if I'm getting bigger and bigger everyday, who does'nt require me to do the dishes and fix the house or wash our clothes....to have someone who after a "major tampuhan" would sit beside me and would want me to explain myside first before he utter his. ..a very loving and sweet soul who gave his heart to me without asking anything in return...." To you Lord, I offer my life and my love to Jojo and if I will be blessed to have him forever, please bless us and I hope I can be the one that can make him happy. Amen"










And to y
ou, GABRIEL ALCERA MAGAY - you will always be my prince and I am looking forward for that time in which we'll gonna swear in front of our God that we would stay together till eternity...

3/23/2008

God Has Risen!

Syempre na VGH na naman ako kanina. Hahaha! Ewan ko ba, nakakaaddict kasi. Pag nasa floor ako, inaantok ako - pag pinayagan na akong umuwi...nawawala ang antok ko. weird! Anyways, while waiting for the elevator...napansin ko ang poster na'to sa dingding and it made me really happy! Additional rice allowance on top of transportation and food allowance! Ang saya saya! Salamat Convergys! You're the best talaga.

Anyways, my boyfriend, my ever loyal Jojo fetch me again at around 2:00 am. Walang taxi around so nag commute nalang kami. Mahirap sumakay ng bus so naglakad kami till megamall. Slept at around 3:00 am and gumising to write for my review offers. Grabe, deadline tomorrow kaya natawa ako dahil ang bilis ko natapos sa sched review ko for today. Yung review na 200 words usually natatapos ko in an hour, ngayon 30 mins lang and nakagawa pa ako ng isa after that na 50 words and it took me another 15 minutes. Iba talaga ang nagagawa ng pressure noh.


Lunch na, parang ayokong kumain pero nagcracrave ako. Diko alam kung saan....it took me an hour to decide kung ano talaga ang gusto ko. And grabe, simple lang pala. Eto yun...


What's with the soft cooked egg, rice and mango juice? Ewan ko pero yan ng gusto kong kainin nung lunch. Hehehe, weird.




Tulog nung hapon and nagising ako patapos na yung "The Buzz" huhuhu. Maganda pala sa HBO ngayon...Music and Lyrics. Tagal ko na naghahanap ng DVD nyan kaso wala akong makita. Anyways...mag start na sya at exactly 10pm so park ko muna tong pc and concentrate muna ako sa movie. Meron pa akong dapat tapusin (3 reviews - huhuhu) pero I need to take a break from work and give quality time for myself. Ke Hugh Grant muna ako magfofocus for the next 2 hours hehehe. Till Tomorrow. Ciao!

PS: Lord thank you for the additional rice allowance. Thank You for my friend Gherj's 25th birthday and please comfort Ice and her family from their grief because of the her lola's lost. Make them stronger and hopefully they would recover fast.Thank you for dying on the cross for us sinners and rising up again to be with us forever. Amen

3/21/2008

Black Saturday

Since it's Black Saturday - Convergys is generous enough na bigyan kami ng free lunch. Siguro, naisip nila na wala kaming makakainan since sarado naman ang Bancheto at sarado rin ang mga surrounding fast food ng madaling araw ng Black Saturday so ayan at nirasyunan kami ng Jollibee ng one piece chicken at zesto. hehehe. Naalala ko tuloy nung elementary ako, lagi akong me baon na Zesto Mango at Pretzel.

Very ironic, lunch namin is adobong Chicken din - parang late na nung nalaman ko na kumain na pala ako ng chicken nung gabi...i forgot. Siguro napurga na si Jojo sa fish at gulay na kinakain namin the entire holy week kaya di na nya napigil at nagluto na sya ng chicken.

No special thing happened but I'm happy na naVGH na naman ako at 2:30 am! Uwi agad kasi antok na antok ako. Sobra. Mabuti nalang naibigay na ang VGH incentive kaya medyo me extra money at pampalubag loob sa mga times na nakaltasan ako because of VGH. Tulog agad ako pag uwi after checking on some of my emails - mga 5:30 am then nagising ulit ng mga 8:30 am. I am happy that I was able to finish 3 reviews today kahit na puro health chorva sila na wala akong ka ideidea kung anong medical term yun. Buti nalang andyan si Mr. Google at nakapagresearch ako para naman hindi magmukhang pilit na ininsert ko lang yung link ng advertiser sa blog ko just for the heck of having it on the entry. Nakakahiya naman kung barabara lang pagkakagawa ko diba. They are paying me expecting me to write quality reviews for their site so I need to do it good. So far, ala pa namang nagdedecline sa mga reviews ko.

Nanood kami ng "The Truman Show" - 2 beses ko na ata to napanood sa HBO - ah oo, kahapon bago magbrown out yan din ang palabas. Diko lang pala sya natapos kasi nawalan ng ilaw. Anyways, inaantok na ako. Balak naming mag Bible study ni Jojo before I sleep kaya off ko na itong pc.

My realization for the day: "Sometimes, I feel deprived of having a quality time for myself. I am always in front of the computer putting my thoughts into writing for someone in exchange for money. Pag di ko naman ginawa yung offers, nanghihinayang naman ako pag nag expire. Though I am happy that I am earning from my entries, sometimes, napapagod na rin ako. I don't know, maybe na worn out lang ako dahil sa sunod sunod na trabaho. I think I need to have a vacation somewhere. Kelangang magnilay nilay...."

PS:
Thank You Lord for this day and thank you at nakuha ko na yung VGH incentive ko. Thank you for the free lunch and for allowing me to go to VGH. Amen.



3/20/2008

No VGH for Myles Today


It's Black Friday today...buti na lang, me cable na kami kasi walang mapanood sa mga local channels. Maraming nagpapasyon dito sa amin sa Sta. Mesa halos bawat kanto me mga kumakanta. The weather is so hot din, ang alam ko mga 30 degrees celsius ang temparature ngayon sa Manila - eh buti sana kung hot lang kaso humid din. Maalinsangan kaya every now and then naliligo ako. Hay. Yung electric fan namin, working overtime din and pag natutulog ako - 2 electric fan na puro nasa level 3 para mas malakas ang buga ng hangin, kaso parang wa epek pa rin kasi yung buga ng electric fan, maiinit pa rin. Haaay. Buti na lang I work for a call center sa gabi kaya kahit papano nalalamigan ako sa aircon. Anyways, I was'nt able to file VGH (Voluntary Go Home) today because one of my major metric is failing (my Average Handling Time) - me rule kasi sa team na if you are only allowed to file for VGH if all of those metrics are passing. Nakakahiya, I am the AHT Captain pa naman then magfafail ako sa AHT! Nooooh! Actually, okey lang din naman sakin na hindi ako na VGH kasi double pay naman today. Parang naoffset lang yung mga times na navgh ako so parang ala ding deduction. kumain kaya eto - 2 tasang kanin ang naubos ko. Anyways, since holy week, ang ulamnamin today is fried tilapia with tomatoes. Grabe, nagkamay na naman ako...hay hirap talagang mag diet!


Nood lang kami ni Jojo ng "One Missed Call" sa DVD while I am doing my reviews. I have a lot of pending reviews at diko alam kung pano ko to tatapusin. Ang deadline is until March 23 - us time so till Sunday night dapat tapos ko na ang 14 reviews. Phew! I sometimes think I mas okey siguro kung mag full time blogger nalang ako...kaso napaka unpredictable nun. What if konti nalang ang review offers? No benefits din such as sss and philhealth. Hay,siguro this is not the right time pa, pero pag nadoble na nya yung current paycheck ko sa current job ko - malamang I'll do it full time. My friend Malen, was now a full time blogger. Eh yung babaeng yun naman kasi sobrang addict na magblog - she's been a blogger since 2003 and she's one of my mentors at isa sa mga dahilan kung pano ko nakilala si Mr. Blogger. She said she earned php 28,000 in a months time because of her 3 blogs. Not bad at take note, tax free yun! Ang galing talaga! I only completed two reviews today because my friend JC asked me through Yahoo Messenger on how to go about with the registration process para he could also earn from his blog. Ang slow ni Vakla (parang member lang na nakausap ko kanina) pero what's good is that he is now my referral (yahoo!) and naaprove yung blog nya. hehehe. Hindi na basura si bakla! I am happy that I was able to help my friend earn extra income to pay for his bills (sana lang hindi sa lalaki nya mapunta ang kikitain nya ha, joke lang jc!)

By the way, today is Holy Friday, I hope everyone would find time to reflect and remember how Jesus died on the cross of Calvary for all of us sinners. Maybe soon I'll be posting some lessons I've learned from Church so I can impart them with you. I pray to God na sana I could be active again sa Church like I used to be before so that I can serve Him better. Sana rin through this blog, I could impart my knowledge about God's word and how I was able to apply them on my personal life. I hope I could tough others lives through this and may others also may be able to know God on a deeper level through this as well.
I need to sleep now. I still have work later pero sana ma VGH nako para makatulog ako ng maayos and mameet ko ang deadline ko. Till next time. Ciao!


3/18/2008

first day...

This is my first day in the office after a 3 day off...hehehe, medyo tinatamad pa talaga ako kaso when I found out na 24 hours yung VGH deduction ko - waaaah, yoko na magVGH! Syaks, sweldong pangcrew ng Jollibee siguro ang sweldo ko nyan sa atrenta, hehehe. Actually, I'm really not so bothered naman in fairness kasi pag umuuwi naman ako from VGH eh, nagtratrabaho parin naman ako sa bahay because of my blogs. Anyways, masaya naman the whole shift, di kami kumain sa labas ng mga teeny boppers and instead we just bought some food sa 7-11 ( ice bought Yakisoba, si Gherj Hersheys Chocolate and ako Tampico and Biscuit lang kasi nagdidiet na ako). Then kinain nalang namin sa pantry and napagkayayaang magpapicture - sabi ko kasi, lahat ng moment kelangan me picture kasi me personal blog na ako! So eto po ang not so perfect picture namin sa pantry - di nakikisama camera ko...grrrr....

Anyways, I'm so happy kasi me meeting kami after we took our lunch...2 hours ata yun! Yahoo! Puro tawanan and asaran lang. Si Paler (ang poging gurang nateam mate ko)kung ano ano binibirit porket me bago na naman sa kanya...bagong pimpol po yun. hahaha! Si Daddy Josh (or Diosdado for long - isa pang myembro ng gurangers - pero sya po ang presidente ha!) walang ibang bukambibig kundi sina Irma Alegre at kung sino sino pang bomba star nung 80's! Si Baby Emman na kamukha ni Richard Gomez nung kabataan nya eh bumibirit din ng kung ano ano - at syempre ang team buddy ko na si Arn Arn or Koya Naldo na tahimik lang at mukhang natatawa lang lalo na kapag natutukso sa akin (naiinis ba sya or nageenjoy?haaaayy- me ganung factor?)...bwahahaha! Si Shai wala ring sawang magtanong ke TL para pahabain ang meeting kasi 20 minutes na lang out na kami (tama ba shai? haha!) at si Ivy doll na sister ko eh tahimik lang sa isang sulok at mukhang inaantok na. Si Lovee na ever finesse eh nakaupo lang sa table at sa lahat ng kateammate ko parang sya lang talaga ang nakikinig ng husto ke TL hehehe..Syempre ang walang kapagod pagod na humihirit si NOra Regro lalo na nung part ng meeting na kelangan naming magbigay ng closing spiel para mataas ang TACRIFT score namin - di na kami magkamayaw sa katatawa. Natatawa kami sa spiel na - "sir can i ask you a favor?" "yeah sure" - "can i ask you a question?" "yes of course!" - "THANK yOU! bye!" - hahahaaa! syempre halos dina makapagsalita si Gherj sa katatawa - dun lang po sya magaling kasi dipo sya marunong bumangka ng joke. Anyways, medyo nagtampo ako ke Gherj kasi niloko nya ako ke TL Alex eh secret lang dapat yun (as if naman) kaya nagpromise sya na treat nya ako ng breakfast sa Mcdo - kaso on our way - nakasalubong namin sina TL ALex and TL Rona and sabi ni TL ALex, treat nya raw ako kasi di ako nakasama nung treat nya...kaya wala nang patumpik tumpik pa at go agad (dina nagpakipot pa!) Tapos habang naglalakad kami - si Gherj, bumubulong pa na dina raw nya ako treat dahil treat na ako ni Alex, aber aber aber, sabi ko sa susunod na lang treat nya...hehehe, di sya makakalusot noh!

Alex treated beside me today - ika nga ni TL Rona (hahaha!) Well, trineat ako ni cute na cute ni TL Alex kasi nakapasa sya for TL position. Wa poise kasi gutom na gutom ako since di kami kumain nung luch ko sabi ko one piece chicken na lang. Naabutan pa namin sina lovely Lovee and TL Chrisse sa Mcdo - naku syempre me kahati na naman kami ni Gherj ke Alex dahil ke TL Chrisse.hahaha! Si tl talaga hinaharass si Alex - sobrang nakakatawa. Nahihiya akong ngumuya kasi katabi ko sya... Tinutukso pa ako ng mga bruhildang sina Gherj at Ice kaya naiilang ako.Pero sa gutom ko, talo talo na....di nalang ako masyadong nagsasalita para di mahalata.Sinamantala ko yung mga time na hinaharass ni TL Chrisse si Alex bago ako ngumuya. Nung umalis na sina TL Alex at naiwan nalang kami nina Ice at Gherj - nainis ako kasi di man lang nila inoffer picturan kami sa digicam ko. hmp! So ayan, ito nalang ang tanging remembrance ni Alex sa libre nya sa akin, isang lalagyan ng gravy na ala nang laman...yung paubos na large iced tea ko.haaay sayang! Sobrang pagod ako na plakda ako pagdating ko sa bahay, tulog ako from 9-11am then gising to work on my review jobs...It's almost 2pm and me pasok pa ako mamaya at 8pm - pinapabili pa ako ni TL ng 7 kikiams for the team - sana lang maalala ko ah.

Thank you Lord for my officemates and friends, thank you for letting me touch their lives even in my small little ways....Sana magkaroon pa kami ng thousand happy memories like this together...Amen

3/17/2008

Manny, Manny, Manny!

Wow, Manny won against Juan Antonio Marquez! Buti naman because I really am looking forward for him to win this match. Andami kayang hadlang bago ko mapanood ang much awaited na laban na ito! I really want to watch his fight live, but unfortunately, for some reasons - eh naputol na naman ang cable namin! I could have watched the live version sa solar sports kaso ganun talaga eh. So ayun, ok na sana sakin yung delayed telecast kaso sa channel 7 pala sya ipapalabas. OMG! Yung tv namin me topak, ang tanging kinikilala niya ay ang Kapamilya pag walang cable! Pano to?! Ang aga ko pa naman nagising and di na ako naglaba because of this fight and then....waaaah! Anyways, different things comes to my mind...like pumunta kaya kami ng plaza kasama ang mga tampay ng sta. mesa para makanood ng laro, or manood nalang kami sa mga sinehan kaso for sure sold out na ang tickets ngayon...or makinood sa kapit bahay - kaso snobbish ako, baka sabihin na hindi nga ako namamansin tapos makikinood ako ngayon or pumunta nalang ako sa bahay ng tatay ko sa kabilang kanto at makinood - kaso naman dami ring tambay dun, mga tumataya sa karera (opo, ang tatay ko ay certified kabo ng karera, hahaha!) Pwede sana mapanood sa internet ng live kaso anong site?! Nagalugad ko na ata ang google, msn at yahoo - ala akong makita na reliable site para mapanood ng live ang "unfinished business", hay, halos mawalan na ako ng loob pero I'm proud na I've come up with a better idea! Pinaswap ko na lang ang tv sa bukis sa TV namin for the meantime...kahit mas maliit at least we get to see Manny fight. We've waited patiently till 1:00 pm kung kelan sya lalaro. Schedule kong maglaba ngayon pero postpone muna, bukas na lang. Nagpabili rin ako ng Tempura para me nginunguya habang nanonood. Pinanood ko nga yung fight prior sa game nya, bigay na bigay pa naman ako sa pagcheecheer and nalungkot nung natalo yung boksingero na akala ko Pinoy...Thailander pala. AMP! Magkakamukha kasi sila eh. Anyways, ayun so feel na feel ko ang pagiging Pinoy nung kinanta na ni Ciara yung Lupang Hinirang and was also so proud na si APL ng black eyed peas ang kumanta ng entrance song ni Pacman! Gwapong gwapo ako ke Pacquiao habang ngumingiti sya sa camera habang nagreready tawagin sa stage (nakakagwapo talaga ang kasikatan noh?!) and nung tinawag na sya...sasayaw sayaw pa kami ni Jojo habang kinakanta ni APL ang "filipino...filipino...filipinooo...bebot bebot..."hahaha! So ayun, first round na... parang lyamado si Marquez. Eh ako pa naman, ang ugali ko... gusto ko agad malaman kung nanalo or natalo sya para pag natalo...diko na panonoorin. (weird ba?) So since ala una na nung ipalabas ng channel 7 yung laban, for sure naisip ko na alam na me resulta na nung nanalo sa internet. So ayun, surf surf and nakita ko nga na gma7.net na si Manny Pacquiao daw ang nanalo! Yahoo! Ayan, mas me gana na akong manood since then, kahit na suntok dito suntok doon si Marquez okey lang....in the end, talo naman sya eh. Sa third round, tuwang tuwa talaga kami nung na knocked down ni Pacman si Marquez, siguro hiyang hiya yung mama kasi ang yabang yabang nya sa presscon tapos eto sya at parang basang sisiw na lulungoy lungoy pagtayo from his fall. Buti nalang and saved by the bell sya kasi kung hindi tapos na ang laban round 3 palang. Halatang hilong hilo si Marquez kasi after that round, sinundan nya si Pacman knowing corner nya yung pinupuntahan nya. Hilo talaga. Anyways, after 12 rounds, si Pacquiao parin ang nagwari. Though it was a close fight, the fact na na knocked down ni Manny si Marquez only shows may capacity siyang talunin talaga yung Mexicano. Dapat nung last fight nila - panalo na si Manny kaso draw daw sabi ng mga judges.
Pero at least, after 4 long years, nalaman na talaga kung sino talaga ang "Mexican Killer" ! Mabuhay ka Ka Manny Pacquiao at ipagpatuloy mo ang pagbibigay ng karangalan sa ating Lahi! Sa uulitin!

3/15/2008

Saturday Gimik with Mama

yEsterday was my day off. Tamang tama as mama's been at our house since Thursday afternoon after having a "tampuhan session" with my Kuya Elmer. Syempre, alam naman nating pag medyo me edad na - nagiging mas sensitive. But I'm happy na at least she was able to take a vacation away from her usually routine sa house namin in Montalban. Also, it's very seldom na magbabakasyon samin si mama since usually overnight lang sya samin.

Ayun, Saturday morning...super aga naming nagising mga 6am and I started doing mama's blog - www.felichispeaks.blogspot.com - then hinanap namin yung mga fave songs ni mama - and binurn namin sa cd for her. I just love making mama happy. I want her to know how grateful I am for all the things she've done in my life and I thank God na kahit papano napapasaya ko si mama even in small ways. Well, anyway, we left the house at around 12nn and sobrang traffic sa Recto and it took us 1 hour bago makarating sa divi ( which would only take us 20 minutes during ordinary days). Pero before naming maglyamerda - kain muna kami ng lunch. Mama wants to eat in KFC (again!), but I begged her na maghanap ng ibang kakainan coz purgang purga na ako sa KFC utang na loob! So we ate nalang sa foodcourt on the 3rd floor. Then after a hearty lunch and picture takings...off we went to the stalls to look for aning anings....
Mama bought a small radio for only php 350 from the original price of php 450 (syempre tawad to the max na naman ang nanay ko!) and I bought 3 blouses (each was worth php 180 from original php 250). I need to buy blouses for the office kasi we are obliged to wear smart casual blouses because were on night shift (usually pag REVERSE MIDNIGHT SHIFT pwede maong or kung anuano lang) . After several rounds sa DIVI mall....we've decided to call it a day..

I'm happy that I was able to spend time with mama and jojo. I'm blessed to have both of them in my life. Kahit di pa kami married ni jojo kahit papano she've learned to accept whatever decision I may have as she knows I'm old enough to know whats right or wrong. Hopefully, I could grant her wish na ikasal sa simbahan...but maybe as I perceive it...it will not happen this year. Maybe
next year or on year 2010 na which is my deadline initially. Sana, sana pero for now - concentrate muna ako sa pagpapapayat ko so I could fit into my wedding gown.

BORING DAYS ENDS HERE....



BORING DAYS ENDS HERE....

I admit, I live a boring life for almost 3 years now. Nung mga panahon nayun, office - bahay lang ang ruta ko. I am not aware na slowly, nagiging dull na ang buhya ko... nagiging stagnant na di lang ang mind ko pati ang body ko (waaaaahhhh!). I was'nt able to realize it kasi I am always with my boyfriend, we've been living together na for 3 years and although I am happy with him...napabayaan ko ang sarili ko. I used to go to church every Sunday and Thursday before and have been constantly serving the Lord, but since we lived together...everything changed. I started to devote all of my time to my job and to my bf that I forgot to nurture myself and explore whatever skills and talents I have. I was'nt able to read at least a single good book for the last 3 years and never had the chance to go to the gym or to exercise for at least an hour during those times. Now, I don't want to be idle anymore. I want to explore life. I want to know what more I can do and what more can I offer. I want to revive back my faith and my passion to do my best in everything I do. I need to revive back what I had lost...I need to do it.

So I now officially ends the "boring and dull" phase of my life and now welcomes a brighter future full of adventures and excitement ..... the journey begins NOW!

"The first step towards getting somewhere is to decide what you are not going to stay where you are..."

3/03/2008

it's MY day!

I intend to post here all the highlights of my day and hopefully I can post something at least thrice a week. I want this to be my online "blessing diary" to remind me of God's blessings and goodness in my life...
Yesterday, me and my boyfriend went to Divisoria for the nth time now. Why always DIVI? Well, besides the fact that Divisoria is just 15 minutes away from our house in Sta. Mesa - it is here I was able to buy cheap cute things for myself and for my loved ones. Shops in most tiangges and bazaares in Manila also are from DIVI so I might as well just go there myself (usually with my flip flops with matching tokong with my big bag and shades) and shop. Ibought 2 pairs of blouses that cost me php 200 each - the saleslady told me inially that it will cost me php 300 but when I told her "ay akala ko php 200 lang!" she immediately agreed. wow! I never knew I have such convincing power! (lol) Anyways, after buying some stuff for the house - we ate at KFC and tried their "Big Time Meal" and look at the pic to see how I poured the gravy all over the rice, chicken, and my mashed potato. Who would not want such delicious KFC gravy? Sobra, nakakaaddict talaga. After eating our lunch, we decided to go home and call it a day...
Though I'm already tired at that time, I still have this urge to have my hair done and have it dyed. I made this decision as one of my officemates tagged me losyang because of my dull hair and not so appealing dress style so I intend to focus more on my appearance - and here I am having a makeover. I also intend to go back to gym or if my schedule does not permit - I'll just buy a fitness machine that would enable me to have my workout at home. Anyways, parang naoverwhelm ata ako so ayan, nagpahot oil narin ang lola nyo and nagpafootspa with pedicure. Wala na akong pera...hehehehe, but it's all worth it. My boyfriend liked what he saw naman in fairness... I've come to realize - we only live once so we might as well make the most out of it. "Wag mo paghinayangan ang mga bagay na makapagpapasaya sayo" is what my mom always tells me...especially if you can afford it. I am so blessed to have been given the opportunity by God to earn from my blogs as it enables me to allot spare money for myself.