first day...

This is my first day in the office after a 3 day off...hehehe, medyo tinatamad pa talaga ako kaso when I found out na 24 hours yung VGH deduction ko - waaaah, yoko na magVGH! Syaks, sweldong pangcrew ng Jollibee siguro ang sweldo ko nyan sa atrenta, hehehe. Actually, I'm really not so bothered naman in fairness kasi pag umuuwi naman ako from VGH eh, nagtratrabaho parin naman ako sa bahay because of my blogs. Anyways, masaya naman the whole shift, di kami kumain sa labas ng mga teeny boppers and instead we just bought some food sa 7-11 ( ice bought Yakisoba, si Gherj Hersheys Chocolate and ako Tampico and Biscuit lang kasi nagdidiet na ako). Then kinain nalang namin sa pantry and napagkayayaang magpapicture - sabi ko kasi, lahat ng moment kelangan me picture kasi me personal blog na ako! So eto po ang not so perfect picture namin sa pantry - di nakikisama camera ko...grrrr....

Anyways, I'm so happy kasi me meeting kami after we took our lunch...2 hours ata yun! Yahoo! Puro tawanan and asaran lang. Si Paler (ang poging gurang nateam mate ko)kung ano ano binibirit porket me bago na naman sa kanya...bagong pimpol po yun. hahaha! Si Daddy Josh (or Diosdado for long - isa pang myembro ng gurangers - pero sya po ang presidente ha!) walang ibang bukambibig kundi sina Irma Alegre at kung sino sino pang bomba star nung 80's! Si Baby Emman na kamukha ni Richard Gomez nung kabataan nya eh bumibirit din ng kung ano ano - at syempre ang team buddy ko na si Arn Arn or Koya Naldo na tahimik lang at mukhang natatawa lang lalo na kapag natutukso sa akin (naiinis ba sya or nageenjoy?haaaayy- me ganung factor?)...bwahahaha! Si Shai wala ring sawang magtanong ke TL para pahabain ang meeting kasi 20 minutes na lang out na kami (tama ba shai? haha!) at si Ivy doll na sister ko eh tahimik lang sa isang sulok at mukhang inaantok na. Si Lovee na ever finesse eh nakaupo lang sa table at sa lahat ng kateammate ko parang sya lang talaga ang nakikinig ng husto ke TL hehehe..Syempre ang walang kapagod pagod na humihirit si NOra Regro lalo na nung part ng meeting na kelangan naming magbigay ng closing spiel para mataas ang TACRIFT score namin - di na kami magkamayaw sa katatawa. Natatawa kami sa spiel na - "sir can i ask you a favor?" "yeah sure" - "can i ask you a question?" "yes of course!" - "THANK yOU! bye!" - hahahaaa! syempre halos dina makapagsalita si Gherj sa katatawa - dun lang po sya magaling kasi dipo sya marunong bumangka ng joke. Anyways, medyo nagtampo ako ke Gherj kasi niloko nya ako ke TL Alex eh secret lang dapat yun (as if naman) kaya nagpromise sya na treat nya ako ng breakfast sa Mcdo - kaso on our way - nakasalubong namin sina TL ALex and TL Rona and sabi ni TL ALex, treat nya raw ako kasi di ako nakasama nung treat nya...kaya wala nang patumpik tumpik pa at go agad (dina nagpakipot pa!) Tapos habang naglalakad kami - si Gherj, bumubulong pa na dina raw nya ako treat dahil treat na ako ni Alex, aber aber aber, sabi ko sa susunod na lang treat nya...hehehe, di sya makakalusot noh!

Alex treated beside me today - ika nga ni TL Rona (hahaha!) Well, trineat ako ni cute na cute ni TL Alex kasi nakapasa sya for TL position. Wa poise kasi gutom na gutom ako since di kami kumain nung luch ko sabi ko one piece chicken na lang. Naabutan pa namin sina lovely Lovee and TL Chrisse sa Mcdo - naku syempre me kahati na naman kami ni Gherj ke Alex dahil ke TL Chrisse.hahaha! Si tl talaga hinaharass si Alex - sobrang nakakatawa. Nahihiya akong ngumuya kasi katabi ko sya... Tinutukso pa ako ng mga bruhildang sina Gherj at Ice kaya naiilang ako.Pero sa gutom ko, talo talo na....di nalang ako masyadong nagsasalita para di mahalata.Sinamantala ko yung mga time na hinaharass ni TL Chrisse si Alex bago ako ngumuya. Nung umalis na sina TL Alex at naiwan nalang kami nina Ice at Gherj - nainis ako kasi di man lang nila inoffer picturan kami sa digicam ko. hmp! So ayan, ito nalang ang tanging remembrance ni Alex sa libre nya sa akin, isang lalagyan ng gravy na ala nang laman...yung paubos na large iced tea ko.haaay sayang! Sobrang pagod ako na plakda ako pagdating ko sa bahay, tulog ako from 9-11am then gising to work on my review jobs...It's almost 2pm and me pasok pa ako mamaya at 8pm - pinapabili pa ako ni TL ng 7 kikiams for the team - sana lang maalala ko ah.

Thank you Lord for my officemates and friends, thank you for letting me touch their lives even in my small little ways....Sana magkaroon pa kami ng thousand happy memories like this together...Amen

Comments

Popular posts from this blog

Kuripsy Signing Off...

Training Days

Thank You Kuripsy Kremes!