3/17/2008

Manny, Manny, Manny!

Wow, Manny won against Juan Antonio Marquez! Buti naman because I really am looking forward for him to win this match. Andami kayang hadlang bago ko mapanood ang much awaited na laban na ito! I really want to watch his fight live, but unfortunately, for some reasons - eh naputol na naman ang cable namin! I could have watched the live version sa solar sports kaso ganun talaga eh. So ayun, ok na sana sakin yung delayed telecast kaso sa channel 7 pala sya ipapalabas. OMG! Yung tv namin me topak, ang tanging kinikilala niya ay ang Kapamilya pag walang cable! Pano to?! Ang aga ko pa naman nagising and di na ako naglaba because of this fight and then....waaaah! Anyways, different things comes to my mind...like pumunta kaya kami ng plaza kasama ang mga tampay ng sta. mesa para makanood ng laro, or manood nalang kami sa mga sinehan kaso for sure sold out na ang tickets ngayon...or makinood sa kapit bahay - kaso snobbish ako, baka sabihin na hindi nga ako namamansin tapos makikinood ako ngayon or pumunta nalang ako sa bahay ng tatay ko sa kabilang kanto at makinood - kaso naman dami ring tambay dun, mga tumataya sa karera (opo, ang tatay ko ay certified kabo ng karera, hahaha!) Pwede sana mapanood sa internet ng live kaso anong site?! Nagalugad ko na ata ang google, msn at yahoo - ala akong makita na reliable site para mapanood ng live ang "unfinished business", hay, halos mawalan na ako ng loob pero I'm proud na I've come up with a better idea! Pinaswap ko na lang ang tv sa bukis sa TV namin for the meantime...kahit mas maliit at least we get to see Manny fight. We've waited patiently till 1:00 pm kung kelan sya lalaro. Schedule kong maglaba ngayon pero postpone muna, bukas na lang. Nagpabili rin ako ng Tempura para me nginunguya habang nanonood. Pinanood ko nga yung fight prior sa game nya, bigay na bigay pa naman ako sa pagcheecheer and nalungkot nung natalo yung boksingero na akala ko Pinoy...Thailander pala. AMP! Magkakamukha kasi sila eh. Anyways, ayun so feel na feel ko ang pagiging Pinoy nung kinanta na ni Ciara yung Lupang Hinirang and was also so proud na si APL ng black eyed peas ang kumanta ng entrance song ni Pacman! Gwapong gwapo ako ke Pacquiao habang ngumingiti sya sa camera habang nagreready tawagin sa stage (nakakagwapo talaga ang kasikatan noh?!) and nung tinawag na sya...sasayaw sayaw pa kami ni Jojo habang kinakanta ni APL ang "filipino...filipino...filipinooo...bebot bebot..."hahaha! So ayun, first round na... parang lyamado si Marquez. Eh ako pa naman, ang ugali ko... gusto ko agad malaman kung nanalo or natalo sya para pag natalo...diko na panonoorin. (weird ba?) So since ala una na nung ipalabas ng channel 7 yung laban, for sure naisip ko na alam na me resulta na nung nanalo sa internet. So ayun, surf surf and nakita ko nga na gma7.net na si Manny Pacquiao daw ang nanalo! Yahoo! Ayan, mas me gana na akong manood since then, kahit na suntok dito suntok doon si Marquez okey lang....in the end, talo naman sya eh. Sa third round, tuwang tuwa talaga kami nung na knocked down ni Pacman si Marquez, siguro hiyang hiya yung mama kasi ang yabang yabang nya sa presscon tapos eto sya at parang basang sisiw na lulungoy lungoy pagtayo from his fall. Buti nalang and saved by the bell sya kasi kung hindi tapos na ang laban round 3 palang. Halatang hilong hilo si Marquez kasi after that round, sinundan nya si Pacman knowing corner nya yung pinupuntahan nya. Hilo talaga. Anyways, after 12 rounds, si Pacquiao parin ang nagwari. Though it was a close fight, the fact na na knocked down ni Manny si Marquez only shows may capacity siyang talunin talaga yung Mexicano. Dapat nung last fight nila - panalo na si Manny kaso draw daw sabi ng mga judges.
Pero at least, after 4 long years, nalaman na talaga kung sino talaga ang "Mexican Killer" ! Mabuhay ka Ka Manny Pacquiao at ipagpatuloy mo ang pagbibigay ng karangalan sa ating Lahi! Sa uulitin!

0 comments: